Of Rants and Reeds

Humanda na lang ang walang banta

March 20, 2008

Isang oras na lang byernes santo na.

Matagal ko na dapat sinimulan ang hangarin kong ito, pero ngayon lang talaga sumagad ang pasensiya ko. Alam ko na ang pagkakaiba ng Oo at hindi, at alam ko na rin kung kailan sila may parehong sagot. Hindi lahat ng pagkakataon kailangan kong sundin ang nakasaad sa pagkakataong iyun. Hindi iba ang nagpapaandar sa buhay ko… ako lang.

"Well, it’s about time."

Hindi sa lahat ng pagkakataon tama ka. Hindi sa lahat ng panahon, makokontrol mo ang kabaitan ko. Hindi naman sa pagmamalaki, pero sa baba ng nakukuha kong swerte ngayon, kung tutuusin, mas mataas pa rin ang naabut ko sayo. Malas mo lang. Hindi na ako papanig sa iyo. Gawin mo ang gusto mong gawin, wala na akong pakialam, basta wag mo lang akong sasagasaan dahil ikaw ang masasaktan. Tandaan mo yan.

Hindi na kita pagbabantaan. Hindi na kailangan. Mas maganda nga iyon, lalatay na lang sa’yo ang naipon kong  galit. Mas masakit kapag tumama.

Ipinako ang diyos sa krus para sa kasalanan nating lahat. Nating lahat. Walang perpekto. kahit hindi mo gusto, nagkasala ka pa rin. Pareho lang tayo.

Kwarenta’y sais minutos na lang byernes santo na.

Kailangan mo nang mag-luksa.

Posted by dextrobant at 10:57 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment